Bulaklak



Nagpadala ka nanaman sa bulaklak
na malalanta  din naman bukas 
Hindi bat’ kailan lang tinapon mo 
ang patay na halaman sa baso

Umasa ka na naman
Tigilan mo na kasi yan

Sa susunod sabihin mo - 
Huwag mo na kong bigyan ng bulalak
kung di mo rin lang naman itatanim sa paso
at hihintayin lumago

Tanong mo sa'kin
Bakit ba ako mapili 
ang sagot ko 
aba, bakit naman hindi?

madami na tayong napagdaanan
at alam ko na walang kahihinatnan
ang mga bagay na hindi pang matagalan

Tulad ng mga bulaklak 
na kung iisipin
maganda sa mata 
masarap sa una
Okey sige gusto mo yan
hindi kita masisi
pero kung tutuisin,
hindi mo naman talaga siya kailangan


Comments

Popular Posts